News team ng ABS-CBN inambush sa Marawi City

By Den Macaranas December 26, 2015 - 08:07 PM

Marawi1
Namria

Nakaligtas sa ambush ang news team ng ABS-CBN News team makaraan silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Marawi City.

Sa inisyal na report na nakarating sa Camp Crame, pasado ala-una ng tanghali kanina habang sakay ng kanilang crew cab ang grupo ni ABS-CBN-Iligan Reporter Ronnie Enderes nang sila’y sundan ng mga naka-motorsiklo na suspek.

Galing ang grupo sa bayan ng Ramain sa Lanao Del Sur para i-follow up ang kaso ng pagpapasabog sa ilang transmission tower ng National Grid Corporation Philippines (NGCP) doon.

Kaaalis pa lamang nila sa lugar nang mapansin ng kanilang driver na sila’y sinusundan ng mga suspek.

Nang maka-dikit sa sasakyan ay kaagad na bumunot ng baril ang mga suspek at sila’y pinaputukan na naging dahilan para mabasag ang mga salamin ng sasakyan.

Habang sila’y binabaril ay pinaharurot ng driver ang kanilang sasakyan bago tumuloy sa isang kampo ng militar sa Marawi City.

Si Enderes rin ang kasalukuyang pangulo ng National Union of Journalists of the Philippine (NUJP) Iligan Chapter.

Sa kanilang pahayag, mariing kinundina ng pamunuan ng ABS-CBN ang ginawang pamamaril sa kanilang mga katauhan.

Nananawagan din sila sa mga otoridad na imbestigahan ang nasabing pamamaril sa ilang mga tauhan ng nasabing media network.

 

TAGS: ABS-CBN, Enderes, ILIgan, ABS-CBN, Enderes, ILIgan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.