Namahagi si Manila Mayor Isko Moreno ng P100,000 sa mga centenarians sa lungsod alinsunod sa batas na magbigay ng cash sa mga Pilipino na umabot sa edad 100.
Sa ilalim ng Centenarians Act of 2016, tatanggap ang Pilipino ng P100,000 mula sa gobyerno kapag naging centenarian na sila.
Pinuntahan na ni Moreno ang mga centenarian kaysa ang mga ito ang kukuha ng pera mula sa pamahalaan.
Una rito ay pinirmahan ng Alkalde ang ordinansa na magbibigay ng buwanang P500 allowance sa mga senior citizens sa Maynila.
Nasa 168,000 na mga taga-Maynila na may edad 60 pataas ang tatanggap ng debit cards kung saan ipapasok ang allowance.
Gagastos ng lokal na pamahalaan ng P1.11 billion para sa naturang pension program.
Ayon sa Office for Senior Citizen’s Affairs (OSCA) ng syudad, ang ipamamahagi na ATM cards para sa P500 monthly allowance ay magsisilbi na ring senior citizen ID’s ng matatandang Manileño.