Dating Argentine boxing champ, arestado matapos pagsamantalahan ang sariling anak

Nahaharap sa 18 taong pagkakabilanggo si dating Welterweight World Boxing Champion na si Carlos Baldomir matapos mapatunayang guilty sa reklamong sexual abuse sa sarili nitong anak.

Taong 2016 nang arestuhin ng pulisya ang 48 anyos na dating kampeon matapos maparatangan na pinagsasamantalahan nito ang anak nitong babae.

Pinatanaw sa kanya ang “repeated sexual abuse” dahil sa panghahalay umano sa isang menor de edad.

Matatandaan na noong nagsimula ang paglilitis kay Baldomir ay nagdirty finger ito sa loob ng korte.

Si Baldomir ay nagretiro noong 2014 sa 46 wins kung saan 15 ang knockouts, 16 losses, at 6 draws na record.

Read more...