Gordon inihalintulad ni Duterte sa isang penguin
Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Richard Gordon dahil sa pagtatalaga ng ilang retired military officials sa gabinete.
Sa talumpati ng pangulo sa 28th anniversary ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinabi ng pangulo na mas dapat maging concern si Gordon sa pagpapaliit ng kanyang malaking tiyan.
Sinabi rin ng pangulo na ang kanyang utak ay nasa kanyang ulo samantalang nasa tiyan naman ang pag-iisip ni Gordon.
Kung gusto umanong maging pangulo ng bansa ni Gordon ay ayusin na lamang nito ang kanyang trabaho bilang mambabatas.
Hinamon rin niya ang senador na maghanap ng pagkakataon na hindi sumunod sa utos ng commander-in-chief ang kanyang mga itinalaga sa gabinete.
Imbes na pumuna sa kanyang pagtatalaga ng mga opisyal sa gobyerno, sinabi ni Duterte na dapat ayusin ni Gordon ang kanyang paglalakad na inihalintulad pa niya sa isang penguin.
Nauna nang sinabi ni Duterte na mas gusto niyang ilagay sa gobyerno ang mga retired military men dahil subok na sila sa kanilang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.