Duterte nag-alok ng libreng law lecture sa mga bumbero

By Den Macaranas August 01, 2019 - 08:45 PM

Nag-alok ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa kanyang talumpati sa 28th founding anniversary ng BFP, sinabi ng pangulo na handa siyang magbigay ng libreng lecture sa rule of evidence at criminal procedure para sa mga BFP investigators.

Ibinida pa ng pangulo na gusto niyang ibahagi sa mga bumbero ang kanyang kaalaman sa dalawampung taon ng pagpa-practice ng abogasya.

Kaugnay nito, inutusan ng pangulo si Sen. Bong Go na kanya ring special consultant na maglaan ng oras para sa nasabing lecture session.

Isa lang ang kanyang pakiusap sa mga dadalo sa kanyang lecture.

Huwag daw matulog ang mga ito habang siya ay nagtuturo kung gusto talaga nilang matuto.

TAGS: BFP investigators, Bureau of Fire Protection (BFP), Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, talumpati sa 28th founding anniversary ng BFP, BFP investigators, Bureau of Fire Protection (BFP), Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, talumpati sa 28th founding anniversary ng BFP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.