Comelec, umapela ng tulong sa paglilinis ng voters list

By Clarize Austria August 01, 2019 - 08:18 PM

Nanghingi ng tulong sa publiko ang commission on elections sa pagtatanggal ng mga pangalan ng mga matagal ng patay sa voters list.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaaring ipagbigay alam sa komisyon kung may pumanaw na kamag-anak ng isang pamilya upang matanggal ito sa listahan.

Paliwanag naman ni Jimenez, hindi nila mamomonitor lahat ng mga nasasawing botante dahil umaasa lang sila sa impormasyon na ibinibigay ng civil registry offices.

Ang pakikipag-ugnayan sa komisyon para sa mga nasawing kapamilya ay malaking tulong sa ahensya.

Nag-umpisa na ngayon araw ang registration ng mga botante para sa Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa May 2020.

TAGS: Barangay elections, botante, civil registry offices., Comelec spokesman James Jimenez, sangguniang kabataan, Barangay elections, botante, civil registry offices., Comelec spokesman James Jimenez, sangguniang kabataan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.