CGMA nakabalik na sa VMMC

By Den Macaranas December 26, 2015 - 06:08 PM

arroyo1
Inquirer file photo

Nakabalik na sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo makaraan siyang payagan ng Sandiganbayan na makapag-diwang ng Pasko sa kanyang bahay sa La Vista Quezon City.

Bago mag-alas singko ng hapon kanina ay nakapasok na sa VMMC compound ang convoy ng dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Arroyo.

Si CGMA ay pinayagang makalabas ng VMMC mula alas ocho ng umaga ng December 23 hanggang alas-singko ng hapon ng December 26.

Bahagi pa rin ng ibinigay sa kanyang holiday furlough, si Arroyo ay muling lalabas ng VMMC alas-otso ng umaga sa December 30 kung saan ay pinayagang magdiwang ng Bagong Taon sa kanyang bahay sa La Vista hanggang sa alas-singko ng hapon sa January 2, 2016.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa Sandiganbayan ang hirit ng kampo ng Arroyo na payagan siyang sumailalim sa house arrest kasabay nang nauna nilang bail petition.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder makaraan ang umano’y maanomalyang pag-gastos sa P366Million na pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

TAGS: CGMA, House arrest, sandiganbayan, CGMA, House arrest, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.