Duterte pinag-aaralan na ang deklarasyon ng martial law sa Negros Oriental

By Chona Yu August 01, 2019 - 03:48 PM

Posibleng magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong lalawigan ng Negros Oriental.

Ito ay sa gitna na rin ng nagaganap na patayan sa negros na kagagawan umano ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, pinag-aaralan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon base sa rekomendasyon ng security cluster ng pamahalaan.

Sa ngayon, umiiral pa sa buong bansa ang national emergency na ideneklara noong September 2016 matapos ang Davao City bombing.

Hiwalay pa ito sa ipinatutupad na martial law sa buong Mindanao region.Ayon kay Panelo, hinid sapat ang tatlong daang commandos na idinagdag na pwersa ng Philippine National Police sa Negros Oriental.

 

Simula noong nakalipas na linggo ay sunud-sunod na ang mga kaso ng patayan sa lalawigan at kabilang sa mga napatay ay ilang mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

TAGS: Davao City, duterte, Negros Oriental, NPA, Davao City, duterte, Negros Oriental, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.