P20B halaga ng ‘overstock’ na mga gamot ng DOH hiniling maimbestighan sa Senado
Naghain ng resolusyon si Senator Sonny Angara para maimbestigahan sa Senado ang ‘overstocking’ ng Department of Health (DOH) ng P20 bilyon halaga ng mga gamot.
Nag-ugat ang hakbang ni Angara sa report ng Commission on Audit (COA) noong 2018 ukol sa mga nakatambak lang na mga gamot sa mga bodega.
Sinabi nito na nakakadismaya na maraming Filipino ang hirap na makakuha ng gamot gayun marami naman palang natambak na pag-aari pa ng gobyerno.
Dagdag pa ni Angara, magiging interes ang problema sa mga nakatambak at expired drugs sa pagtalakay sa 2020 budget ng DOH.
Pinansin nito na taon taon na lang na nangyayari ang pagkasayan ng milyon milyon pisong halaga ng mga gamot ng DOH.
Sa COA report, higit sa P18 bilyon halaga ng mga gamot ang nakatambak lang at marami sa mga ito ay nalalapit na ang expiry date.
Nadiskubre din na higit P30 milyon halaga ng mga gamot na ipinadala na sa mga health centers, rehabilitation centers at ospital ay expired na.
Kaya’t ayon kay Angara dapat ay may maiaalok ng solusyon sa isyu ang mga taga-DOH na dadalo sa ipapatawag na pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.