Immigration Bureau nangatwiran sa pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa

By Jan Escosio August 01, 2019 - 11:45 AM

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Idinahilan ng Bureau of Immigration (BI) ang paglago ng bagong paraan ng pagsusugal at turismo sa pagdami ng mga Chinese nationals sa bansa.

Ayon kay Dana Sandoval, ang tagapagsalita ng kawanihan, patok ngayon ang offshore gaming operations at marami sa mga namumuhunan ay pinipili ang Pilipinas bilang lugar ng kanilang negosyo.

Samantala, dahil epektibo ang kampaniya sa industriya ng turismo, maraming Chinese nationals din ang nahihiyakat na bumisita sa bansa.

Dagdag pa ni Sandoval hindi naman na bago ang influx ng foreign national dahil may panahon din na dumagsa ang mga South Korean nationals para samantalahin naman ang English tutorial sa bansa.

Aniya hindi rin lang naman dito sa Pilipinas dumadagsa ang mga Chinese tourists.

Samantala, sinabi ng opisyal na nirerespeto nila ang mga sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na maituturing ng ‘security threat’ ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga Chinese nationals sa Pilipinas.

Pagtitiyak naman ni Sandoval na nagsasagawa sila ng monitoring sa mga bisitang Chinese nationals.

TAGS: ang tagapagsalita ng kawanihan, Chinese Nationals, Dana Sandoval, pagsusugal at turismo, ang tagapagsalita ng kawanihan, Chinese Nationals, Dana Sandoval, pagsusugal at turismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.