Sinabi ni Guevarra na nakakabahala kung dumarami ang mga undocumented aliens anuman ang kanilang nasyonalidad.
Ngunit ayon pa kalihim exemption dito kung ang mga dumadagsang foreign nationals ay mga refugees na nais lang ng asylum.
Unang sinabi ni Esperon na nababahala na siya sa pagdagsa ng mga Chinese nationals na papasok sa Pilipinas bilang turista ngunit magta-trabaho na dito.
Itinuro ni Esperon ang Bureau of Immigration na may pagkukulang dahil nakakalusot papasok ng Pilipinas ang mga Chinese nationals.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., marapat na itigil na ang pag-iisyu ng visa pagdating ng mga Chinese nationals.
Aniya ang dapat gawin ay ang consular offices na ang mag-isyu ng visa pagkatapos matiyak ang tunay na pakay ng mga bibisitang Chinese nationals.