700 pamilyang naapektuhan ng Batanes quake hindi pa nakakauwi
Nanatili pa rin sa mga evacuation centers ang mahigit 700 pamilya na naapektuhan ng lindol na yumanig sa Itbayat, Batanes.
Ito ay dahil wala pa rin silang mahanap na maaring matuluyan.
Sa update mula sa NDRRMC, 742 pamilya o may katumbas na 2,365 indibidwal ang pinagsisilbihan pa rin sa mga evacuation centers.
Sila ay mga residente ng limang barangay sa Itbayat kung saan daan-daan bahay ang napinsala ng malakas na pagyanig ng lupa.
Sa datos ng NDRRMC, 266 bahay ang napinsala at higit sa kalahati ang gumuho at 81 ang bahagyang nasira.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity ang Batanes dahil sa lindol.
Nagpaabot naman na ng P100,000 halaga ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.