Kapuso actor Zoren Legaspi bahagi ng Filipino delegation sa isang international cycling event sa London

By Jimmy Tamayo August 01, 2019 - 11:24 AM

Lalahok ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi sa Pru RideLondon 2019, ang pinakamalaking cycling festival sa buong mundo.

Ayon kay Legaspi, tatlong taon na siyang nagbibisikleta bilang miyembro ng isang local cycling community.

Nabatid pa sa aktor na noong Hunyo ay sinimulan na niya ang paghahanda para sa nasabing event na gaganapin sa London sa August 3-4 kung saan inaasahang makikiisa ang nasa 100,000 mga cyclist sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bahagi ng pagsasanay ni Legaspi ay mag-bike mula sa kanilang bahay sa Pasig hanggang sa Sierra Madre.

Pero nilinaw niya na hindi naman kompetisyon ang nasabing event bagamat malaking karangalan na aniya na maging kinatawan ng bansa.

Bukod kay Legaspi bahagi ng Filipino delegation ang TV host na si Kim Atienza at si Gretchen Ho.

TAGS: Gretchen Ho, Kapuso actor Zoren Legaspi, Kim Atienza, Pru RideLondon 2019, Gretchen Ho, Kapuso actor Zoren Legaspi, Kim Atienza, Pru RideLondon 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.