Pito sugatan sa pagbagsak ng US fighter jet malapit sa Death Valle park sa California

By Dona Dominguez-Cargullo August 01, 2019 - 10:28 AM

AP File
Sugatan ang pitong katao na namamasyal lamang sa Death Valley National Park sa California matapos mabagsakan ng debris ng sumabog na US figher jet.

Nagtamo ng minor injuries gaya ng mga paso at sugat sa katawan ang mga biktima na noon ay namamasyal lang sa parke.

Nag-crash ang US Navy fighter jet malapit sa Death Valley park at hindi pa tukoy kung ano ang kondisyon ng piloto nito.

Ang bumagsak na eroplano ay isang single-seat F/A-18 Super Hornet na noon ay nasa routine training mission.

Ayon kay Lt. Cmdr. Lydia Bock, tagapagsalita ng Naval Air Station Lemoore, pinaghahanap na ang piloto.

Ang mga nasugatan naman ay agad dinala sa pagamutan para magamot dahil sa paso at sugat na natamo nila sa bumagsag na fragments at debris mula sa eroplano.

TAGS: California, Radyo Inquirer, US Fighter Jet, California, Radyo Inquirer, US Fighter Jet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.