Broadway icon na si Harold Prince pumanaw sa edad na 91

Pumanaw na ang Broadway director at producer na si Harold Prince.

Naging tanyag si Prince sa matagumpay niyang musicals gaya ng ‘The Phantom of the Opera’ na humakot ng 21 Tony awards.

Pumanaw si Prince sa edad na 91 matapos ang 60 taon niyang career sa Broadway.

Naulila ni Prince ang kaniyang asawa, dalawang anak at tatlong apo.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya, ayaw ni Prince ng malungkot na lamay at sa halip ay nais nitong i-celebrate ang kaniyang buhay.

Read more...