Mag-tiyuhin arestado sa buy-bust sa Mandaluyong

By Dona Dominguez-Cargullo August 01, 2019 - 07:02 AM

Arestado ang magtiyuhin sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Mandaluyong City.

Unang nadakip ang pamangkin matapos mabilihan siya ng P200 halaga ng marijuana ng pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Addition Hills.

Nang maaresto, inamin nitong siya ay nautusan lamang ng kaniyang tiyuhin.

Sa ikinasang follow-up operation ay naaresto ang tiyuhin ng suspek at nakuhanan ng 1 kilo pa ng marijuana sa kaniyang backpack.

Ayon kay Police Col. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong City police, negosyo ng pamilya ng mag-tiyuhin ang pagtutulak ng droga.

Dati na ring nakulong ang tiyuhin bunsod ng kasong may kaugnayan din sa ilegal na droga.

TAGS: buy bust, Mandaluyong City, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust, Mandaluyong City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.