Russian Army pinatutulong para maapula ang malawakang wildfire sa Siberia
By Dona Dominguez-Cargullo August 01, 2019 - 07:00 AM
Inatasan na ni Russian president Vladimir Putin ang kanilang mga sundalo na tumulong para maapula ang malawakang wildfire sa Siberia.
Ito ay matapos ang pulong sa emergency ministry ng naturang bansa.
Sa pinakahuling datos ay umabot na sa mahigit tatlong ektaryang lupain ang apektado ng wildfire.
Mayroon na ring 10 helicopters at eroplano na tumutulong para maapula ang wildfire.
Nananawagan ang mahigit 700,000 residenteng apektado na ideklara ang emergency bunsod ng nararanasan nilang kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.