Lalaking miyembro ng isang drug group arestado sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo August 01, 2019 - 06:53 AM

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Isabela City Police Station ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Isabela City, Basilan.

Ikinasa ng PDEA Region 9 Basilan Provincial Office at ng mga pulis ang buy-bust operation sa Barangay Sunrise.

Nadakip sa naturang operasyon ang suspek na si Thea Jailani Apra alyas Poteh na kalaunan ay natuklasan ng mga otoridad na ang tunay na pangalan ay Abdul Aziz Balasong Kudarat.

Si Kudarat ay nasa drug watchlist ng mga otoridad at miyembro ng local drug group na “Omega Drug Group”.

Nakuha sa kaniya ang aabot sa 3 gramo ng shabu na tinatayang P20,400 ang halaga.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

TAGS: Basilan, buy bust, Radyo Inquirer, War on drugs, Basilan, buy bust, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.