Mahigit kalahating milyon pisong halaga ng US Dollars nakumpiska ng Customs

By Dona Dominguez-Cargullo August 01, 2019 - 06:41 AM

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng US Dollars sa isang air cargo.

Ang package na ipinadala sa pamamagitan ng FedEx galing sa Arkansas, USA ay may lamang US$ 12,000 na itinago sa loob ng kahon ng cellphone.

Hindi deklarado ang pera at ibinalot pa sa aluminum foil sa layong mailusot sa customs.

Kinumpiska ng customs ang pera dahil sa paglabag sa Section 1400 in relation to Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Magsasagawa ng imbestigasyon ang BOC Legal Service hinggil sa nasabing package.

Pinayuhan ng customs ang publiko na huwag magdala ng o magpadala ng ganoon kalaking pera.

Sa ilalim kasi ng BSP Manual of Foreign Exchange Transaction dapat ideklara sa Foreign Currency Declaration Forms ang perang dala ng pasahero o ipinapadala kung ito ay lagpas sa USD10,000 o katumbas nito.

TAGS: customs, dollar bills, NAIA, package, customs, dollar bills, NAIA, package

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.