‘Bikoy’ pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa sa libel case
Pansamantalang nakalaya si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, ang lalaking nagpakilalang nasa likod ng viral videos na nag-uugnay sa pamilya Duterte sa iligal na droga.
Araw ng Miyerkules ay nagpiyansa si Advincula ng P10,000 para sa kinahaharap na kasong cyber libel.
Magugunitang inaresto si Advincula matapos ireklamo ng businessman na si Zaldy Co, ang may-ari ng kumpanya na idinawit din sa ‘Ang Totoong Narcolist’ videos.
Bukod sa kasong cyber libel, respondent din si Advincula kasama sina Vice President Leni Robredo, mga miyembro ng oposisyon, ilang pari at obispo sa kasong sedition na isinampa ng PNP- Criminal Investigation Detection Group (CIDG).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.