Nigerian, 4 na Pinoy arestado sa QC buy-bust; P7M halaga ng shabu nasamsam

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa P7 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa PDEA Special Enforcement Service, nakipagtransaksyon sila para sa P1 milyong halaga ng iligal na droga.

Target sa operasyon ang isang alyas ‘Jamal’ matapos makatanggap ng impormasyon na isa ang suspek sa nagbabagsak ng iligal na droga sa Baclaran at Cavite.

Bukod kay Jamal, timbog sa nasabing operasyon ang isang Nigerian national; isang babaeng nagdala ng mga droga; at mag-ama na nagsilbing look-out.

Nasa isa’t kalahating kilo ng shabu ang nakuha mula sa mga suspek na isinilid sa isang bag at mga kahon ng vitamins.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at kung anong drug group kabilang ang mga suspek.

Mariing itinatanggi ng mga suspek na sa kanila ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Mahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...