Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-12:48 madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 49 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Tarragona.
May lalim ang pagyanig na 112 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.