PCSO chief Garma, tutok na mapanatiling walang korupsyon sa gaming operations ng ahensya

By Angellic Jordan July 31, 2019 - 10:53 PM

Nakatutok si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na maging transparent at hindi mababahiran ng korupsyon ang ahensya.

Sa isang press conference, sinabi ni Garma na binigyan niya ang kaniyang sarili ng dalawang linggo para bisitahin at ayusin ang mga proseso ng lahat ng gaming operation ng PCSO.

Ito ay dahil aniya ayaw niyang humaba pa ang umano’y ilegal na gawain.

Isa rin aniya sa ikinokonsidera niya na maraming Filipino ang nangangailangan ng trabaho.

Sinabi ng PCSO na tinatayang P250 milyon ang halaga ng nakitang nawala sa ahensya sa apat na araw na suspensyon ng Lotto operations.

TAGS: korupsyon, pcso, Royina Garma, korupsyon, pcso, Royina Garma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.