Davao City isinailalim na sa “double red alert”
Kasalukuyang nasa ilalim ng “double red alert” ang buong puwersa ng Davao City Police dahil sa beripikadong banta ng terorismo sa lungsod.
Kinumpirma ni C/Insp. Milgrace Driz na well-verified ang nasabing threat kaya kaagad na ipinagutos ng PNP ang deployment ng mga pulis sa mga matataong lugar sa buong Davao City.
Bukod sa mga pamilihan, nakapuwesto na rin pati ang mga naka-sibilyang pulis sa mga simbahan, public transport terminals, airport at ilan pang mga matataong lugar.
Nitong mga nakalipas na araw ay naging sunud-sunod din ang pagpapasabog sa ilang mga transmission tower ng National Grid Corporataion of the Philippines (NGCP) na naging dahilan ng kawalan ng supply ng kuryente sa ilang lugar sa Mindanao.
Bukod sa PNP naka-monitor din sa mga pangyayari ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.