2 tulak ng droga, sugatan sa shootout sa Cavite

By Clarize Austria July 31, 2019 - 08:46 PM

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ng dalawang tulak ng droga matapos ang nangyaring shootout sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Alfonso, Cavite Martes ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Mary Grace Casulang at Reiner Ambion na parehas na residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulisya, napansin nina Casulang at Ambion na pulis ang kanilang katransaksyon kung kaya’t binangga ang sasakyan nito.

Nagkaroon ng putukan ng baril habang hinahabol ng pulis ang mga suspek kung saan tinamaan ang dalawang salarin.

Isinugod ang dalawa sa Tagaytay Medical Center para mabigyang lunas.

Nakuha sa mga suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu, isang caliber .38 revolver at ilang bala.

Nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang pinoproseso ang kasong isasmpa sa kanila.

TAGS: alfonso, cavite, Droga, Mary Grace Casulang, Reiner Ambion, shootout, alfonso, cavite, Droga, Mary Grace Casulang, Reiner Ambion, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.