Permit ban sa PCSO outlets sa Maynila, binawi na ni Mayor Isko Moreno

Ipinatitigil na ni Mayor Isko Moreno ang pagbawi ng business permit mula sa mga may-ari ng lotto outlets sa lungsod ng Maynila.

Kasunod ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maari na muling magsagawa ng lotto draws ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa buong bansa.

Mananatili namang suspendido ang ibang gaming schemes sa ilalim ng PCSO kabilang na ang small town lottery (STL), Keno, at Peryahan ng Nayan sa nasabing lungsod.

Matatandaan na noong July 29, pinabawi ni Moreno ang mga permit ng lotto outlets na nagsasagawa ng operasyon sa lungsod.

Read more...