Kontruksyon ng Bulacan airport, sisimulan bago matapos ang 2019

Sisimulan ang konstruksyon ng Bulacan airport bago matapos ang taong 2019, ayon kay Department of Transportation (DOTr).

Sa opening of bids kasama ang San Miguel Holdings Corporation (SMHC), walang tumututol sa orihinal na plano para sa konstruksyon, operasyon at maintenance ng itatayong paliparan.

Dahil dito, sinabi ng SMHC na posibleng isagawa ang groundbreaking at sisimulan ang proyekto bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon sa kagawaran, inaasahang maging operational ang bagong paliparan matapos ang apat hanggang anim na taon mula nang simulan ang konstruksyon nito.

Kayang ma-accommodate ng paliparan ang 100 milyong pasahero kada taon.

Target ding ma-accommodate ang nasa 240 na eroplano kada oras sa paliparan na lalagyan ng 4 na parallel runaways.

Kasama rin sa proyekto ang konstruksyon ng tollway na magkokonekta sa North Luzon Expressway (NLEx) sa Marilao, Bulacan.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na makatutulong ang Bulacan airport para mabawasan ang pagkasikip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Read more...