Pagpapatupad ng martial law sa Negros Oriental, pinag-aaralan na
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinag-aaralan na ang sitwasyon sa posibleng rekomendasyon sa pagpapatupad ng martial law sa Negros Oriental.
Ito ay kaugnay sa serye ng mga patayan sa probinsya.
Sa Fernandina Forum sa Club Filipino, San Juan City sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na magmumula ang rekomendasyon mula sa civil forces.
Dito aniya magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung magdedeklara ng martial law sa nasabing probinsya.
Ani Arevalo, ang sitwasyon sa lugar ang nagsisilbing basehan sa kanilang posibleng paglalabas na rekomendasyon.
Sa ngayon, wala pa aniyang nakararating na consensus tungkol ukol dito.
Hanggang July 23, nasa 14 katao ang nasawi sa mga insidente ng patayan sa lugar kabilang ang dating alkalde at isang konsehal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.