LOOK: Illegal gambling site sa loob ng mall sa Recto, Maynila nilusob ng pulisya

By Clarize Austria July 31, 2019 - 07:53 PM

Sinalakay ng Manila Police ang isang illegal gambling site na nasa sa loob ng shopping mall sa Recto, Maynila Miyerkules ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, nagmula sa isang netizen ang tip na mayroong ilegal na gawain sa establisyimento.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, walang prangkisa ang establisyimento mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) o Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung kaya’t ilegal ang pag-ooperate nito ng sugal.

Ayon naman kay Levy Facundo, director ng Bureau of Permits sa Maynila, ang permit na hawak ng establisyimento ay para sa amusement center lamang at hindi sugalan.

Napag-alaman din na nag-ooperate ng 58 machines ang amusement center kung saan 15 lang ang nakadeklara.

Bigo ring magpakita ng employment permits ang tatlong empleyado ng center at wala rin itong sanitation permit.

Tuluyang isasara ang shop habang iniimbestigahan kung may pagkukulang ang pamunuan ng mall sa na mag-operate ang naturang center.

TAGS: illegal gambling, Maynila, Mayor Isko Moreno, Recto, illegal gambling, Maynila, Mayor Isko Moreno, Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.