Pagpapa-amyenda sa charter ng PCSO, plano ni Minority Leader Abante
Pinag-aaralan ni House Minority Leader Bienvenido Abante ang paghahain ng panukala upang bisitahin at amyendahan ang charter ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay Abante, plano niyang maghain ng panukala para maamyendahan ang matagal ng charter ng PCSO.
Sa ilalim aniya ng batas ng PCSO, walang nakalagay na parusa patungkol sa korupsyon.
Hindi rin aniya tulad ng PAGCOR, walang nakalagay na expiration sa charter ng PCSO.
Suportado naman ni Abang-Lingkod Rep. Joseph Paduano ang nais gawin ni Abante.
Sinabi ni Paduano na panahon na upang ayusin ang batas ng PCSO para maging malinaw ang trabaho ng mga ito at gambling operations.
Kasabay nito, inihain ni Abante ang House Resolution 141 para paimbestigahan in aid of legislation ang pagpapasara sa lahat ng PCSO outlets dahil sa sinasabing malawakang korapsyon.
Sinita rin ng kongresista ang PCSO sa hindi pagsusumite ng annual report sa Kongreso tungkol sa mga aktibidad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.