DILG kinondena ang pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa ginagawang Bicol Int’l Airport

By Noel Talacay July 31, 2019 - 07:38 PM

Kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año na ang pag-atake ng mga CPP-NPA ay para lang sa kanilang pangsariling interes, humihingi ng revolutionary tax para mapondohan ang kanilang mga terroristic activity.

Pahayag pa ni Año, kung talagang pag-unlad ng bansa ang hangarin nila, hindi nila sisirain ang mga proyekto na makakatulong nang malaki sa mga Filipino.

Sinabi pa nito na walang ideolohiya na ipinaglalaban ang mga rebelde.

Puro lamang aniya perwisyo ang idinudulot sa bansa.

Matatandaang noong July 26, pinasabog ang construction site sa ginagawang Bicol International Airport bandang 10:05 ng umaga.

TAGS: Albay, Bicol International Airport, CPP-NPA, Daraga, DILG, Albay, Bicol International Airport, CPP-NPA, Daraga, DILG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.