P1,000 allowance, ibibigay sa mga estudyante ng PLM at UdM

Nilagdaan na ni Mayor Isko Moreno ang ordinansang nagbibigay ng P10,000 na monthly allowance sa mga mag-aaral sa dalawang unibersidad sa Maynila.

Magbibigay ang ordinance no. 8568 ng tulong-pinansyal sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Para naman makatanggap ng naturang allowance, dapat ang mga estudyante ay:
– nag-aaral sa PLM o UdM
– may good class standing
– walang disciplinary record
– residente ng Maynila, at
– rehistradong botante sa lungsod

Ang mga mag-aaral naman na madi-dismiss bago matapos ang school year ay matatanggalan ng naturang allowance.

Mag-uumpisa ang pagbibigay ng allowance matapos mailathala sa mga pahayagan ang ordinansa.

Read more...