Health Sec. Duque, hindi sisibakin ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 31, 2019 - 07:12 PM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay kahit na nadadawit ngayon sa isyu ng korupsyon si Duque dahil sa pagkakakuha ng kaniyang pharmaceutical firm ng kontrata para sa suplay ng gamot sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala pa namang inilalabas na matibay na ebidensya para suportahan ang alegasyon na sangkot sa korupsyon si Duque.

Una rito, sinabi ni Panelo na buo pa ang trust at confidence ni Pangulong Duterte kay Duque.

Samantala, sa isang text message sa Radyo Inquirer, sinabi ni Duque na wala siyang balak na boluntaryong magbitiw sa puwesto.

TAGS: doh, korupsyon, Rodrigo Duterte, Sec. Francisco Duque III, doh, korupsyon, Rodrigo Duterte, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.