Walang nawalang isla sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte admin – Esperon

By Angellic Jordan July 31, 2019 - 04:24 PM

Iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na walang nawalang isla sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni Esperon matapos ang pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ibinigay na umano ng Pilipinas ang Sandy Cay sa China.

Aniya, nananatiling ‘uninhabited’ ang Sandy Cay na isa sa mga sandbar malapit sa Pag-asa Island.

Matatandaang sinabi rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang katotohanan na may nag-okupa na sa nasabing isla.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.