Provincial police director ng Negros Oriental, sinibak sa pwesto

 

 

Sinibak sa pwesto ang provincial police director ng Negros Oriental dahil sa serye ng patayan sa probinsya.

Sa inilabas na pahayag, kinumpirma ni Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), ang pagkakatanggal sa pwesto ni Negros Oriental Police Provincial Director Col. Raul Tacaca.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon sa posibleng kapabayaan ni Tacaca para mabigyang linaw ang mga insidente ng patayan sa probinsya sa mga nakalipas na araw.

Dahil dito, itinalaga si PNP Region 7 Director Brig. Gen. Debold Sinas bilang officer-in-charge para sa Negros Oriental Police Provincial Office.

Tiniyak naman ni Banac sa publiko na kontrolado ang sitwasyon sa probinsya para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Dagdag pa nito, naka-full alert status pa rin ang kanilang police unit para maiwasan ang anumang krimen sa probinsya.

Read more...