Nawalang kita ng PCSO lotto dahil sa suspensyon, aabot ng P250M
Tinatayang P250 milyon ang nawalang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang pansamantalang pagpapasara ng Lotto operations.
Sa isang press conference, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma, na ito ang halaga ng nawalang kita ng Lotto operations sa loob lamang ng apat na araw na suspensyon.
Aniya, nanatili namang positibo ang kanilang hanay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang mga gaming operations.
Nagamit kasi aniya itong pagkakataon para ma-review ang proseso ng mga palaro ng ahensya.
Sinabi pa ni Garma na unang ibinalik ang Lotto dahil lumabas sa kanilang pag-aaral na transparent ito ay mayroong safety nets sa kanilang proseso.
Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mananatiling suspendido ang mga operasyon ng small town lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at iba pang dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.