LOOK: Robredo, binisita ang mga biktima ng lindol sa Batanes
Binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga biktima ng tumamang dalawang malakas na lindol sa Itbayat, Batanes araw ng Miyerkules.
Ayon kay Robredo, posibleng hindi sapat ang pondo ng gobyerno para maasistihan ang mga apektado ng lindol.
Dahil dito. nangako ang bise presidente sa pagkakasa ng ‘fund drive’ mula sa mga pribadong organisasyon para sa mga residenteng nawalan ng tirahan makaraang ang magnitude 5.4 at 5.9 na lindol noong July 27.
Ipinunto rin nito na dapat makaisip ng paraan para makayanan ng mga aayusing gusali ang mga posible pang maranasang sakuna.
Sa mga larawan ng Office of the Vice President (OVP), makikita ring personal na kinumusta at kinausap ni Robredo ang mga residente.
Nagdala rin si Robredo ng mga relief goods sa tulong ng mga pribadong organisasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.