Provincial bus ban sa EDSA, muling pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon July 31, 2019 - 03:45 PM

Muling pinaiimbestigahan ni Baguio City Rep. Mark Go ang planong provincial bus ban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ayon kay Go, hindi natapos ang imbestigasyon nito na kanilang ipinatawag noong 17th Congress kaya muli niyang inihain ang panukala.

Sinabi pa nito na hindi pa naisusumite sa Kamara ang mga hinihiling na dokumento ng mga kongresista na magpapatunay na kailangan nga ng bus ban sa EDSA.

Nilinaw naman ng kongresista na hindi siya kontra sa mga ginagawang paraan ng MMDA ngunit nais niya munang maplantsa ang mga detalye para hindi magdulot ng paghihirap sa mga commuter.

Binigyang-diin din nito na base sa records ng MMDA, sa tinatayang 300,000 hanggang 400,000 na mga sasakyang bumabaybay sa EDSA, nasa 2 porsyento lamang dito ang provincial buses.

Sa plano ng MMDA, ang mga bus na galing Norte ay hanggang Valenzuela na lamang habang ang galing Southern Luzon ay hanggang Sta Rosa, Laguna o PITX na lamang.

TAGS: 17th congress, Baguio City Rep. Mark Go, Laguna o PITX, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA., Southern Luzon ay hanggang Sta Rosa, 17th congress, Baguio City Rep. Mark Go, Laguna o PITX, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA., Southern Luzon ay hanggang Sta Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.