Lacson, dinipensahan ang pagtalaga sa retired military at police officials

By Jan Escosio July 31, 2019 - 03:29 PM

Walang nakikitang mali si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, saklaw naman ng kapangyarihan ng pangulo kung sinuman ang nais niyang ipuwesto kung sa kaniyang palagay ay makakatulong ito sa kaniyang pamamahala.

Sinabi pa ni Lacson na sakali mang pumalpak ang itinalaga, sa pangulo naman ang pananagutan sa sambayanan.

Dadaan din naman sa Commission on Appointments ang mga itatalaga at maaring mabusisi ang kanilang pagkatao.

Pagdidiin ng senador, mas mahalaga ang integridad at kakayahan kaysa professional background.

TAGS: Armed Forces of the Philippines (AFP), commission on appointments, Philippine National Police, Rodrigo Duterte, Senator Panfilo "Ping" Lacson, Armed Forces of the Philippines (AFP), commission on appointments, Philippine National Police, Rodrigo Duterte, Senator Panfilo "Ping" Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.