China, nag-abot ng P10M na tulong para sa mga biktima ng lindol sa Batanes

By Clarize Austria July 31, 2019 - 03:24 PM

Photo from PIA Region 2

Nagpaabot ng P10 milyong tulong-pinansyal ang pamahalaan ng China sa mga biktima ng pagyanig sa Itbayat, Batanes.

Ang donasyon ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan sa lugar.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang gobyerno ng China sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-abot ang naturang bansa ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Pilipinas ngayong taon.

Matatandaang niyanig ng magkasunod na magnitude 5.4 at 5.9 na lindol ang Batanes noong araw ng Sabado, July 27.

TAGS: batanes, China, gobyerno ng China, itbayat, P10 milyong tulong-pinansyal, batanes, China, gobyerno ng China, itbayat, P10 milyong tulong-pinansyal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.