Mga ikinasang cleanup drive sa mga kalsada, nakatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa EDSA – MMDA
Gumaan nang bahagya ang daloy ng trapiko sa EDSA kasabay ng pag-arangkada ng 60 na araw na cleanup drive sa mga lansangan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, isa sa mga sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa ilang kalsada na nagkokonekta sa EDSA ay ang mga illegal vendor at iba pang sagabal.
Dahil dito, nagkakasa rin aniya ang ahensya ng clearing operations sa mga exit point ng EDSA.
Kasabay ng direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG), nagsasagawa rin ng operasyon ang ahensya sa mga ilegal na terminal.
Ikinalugod naman ni Garcia ang aktibong kooperasyon ng mga local government unit (LGU) para sa nasabing operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.