Sikat na Irish rock band na U2 magtatanghal sa Pilipinas sa Disyembre

Sa unang pagkakataon, magtatanghal sa bansa ang sikat na Irish group na U2.

Itinakda ang concert sa December 11, 2019 na gagawin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang nasabing concert ay bahagi ng “The Joshua Tree Tour” ng nasabing rock group na magkakaroon rin ng pagtatanghal sa Singapore, Seoul sa South Korea maging sa New Zealand, Australia at sa Japan.

Ang pagtatanghal sa Pilipinas ay pinost sa kanyang Twitter account ng mismong lead singer ng grupo na si Bono na may caption na “Manila is a first,”And that has everyone on their toes…. this has to be one of the great ones!” na may kalakip larawan na may sulat kamay na mensahe nito.

Inianunsyo din ng concert promoter na MMI Live ang nasabing pagtatanghal sa kanilang Facebook account at ang presyo ng ticket.

Ang U2 ay nakilala sa kanilang mga kantang With or Without You, Sunday Bloody Sunday, Beautiful Day, Where the Streets Have No Name, at I Still Haven’t Found What I’m Looking For.

Ang presyo ng ticket na mabibili simula sa September 5 ay ang sumusunod :

P5,250
P17,950
P20,499
P19,499
P17,999
P16,999
P15,999
P14,999
P8,499
P7,499
P4,499
P2,499

Read more...