13 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Jong Manlapaz, Rose Cabrales July 31, 2019 - 09:09 AM

Arestado ang 13 katao na kinabibilangan ng 10 lalaki at 3 lalaki sa buy-bust operation na isinagawa ng QCPD-Station 3 sa Purok 1A,Luzon ave, Brgy.Culiat sa Quezon City,alas-11:25 ng gabi ng Martes (July 30).

Nakilala ang mga naarestong drug suspect na sina:
1.Ashraf Acol
2.Jonathan Yap
3.Joerben Nisperos
4. Ansarie Sumangca
5.Renato Lazo
6.Edgar Robles
7.Jhonie Lico
8.Hasan Bangrang
9.Jefferson Pena
10.Lourice Tinaan
11.Gloria Siason
12.Kyla Anne Rentino
13.Crispin Gobres

Pinangunahan ni Police Major Don Don M. Llapitan ng station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD ang isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ng 13 drug suspects.

Nakumpiska sa mga naarestong suspek ang 14 na maliliit na piraso ng sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 4 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P27,200 , isang piraso ng bukas na plastic sachet na pinaghihinalaang pinaglagyan ng shabu, isang cellphone at tatlong 100 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 3 sa Purok 1A, Brgy.Culiat, buy bust, Luzon ave, Police Major Don Don M. Llapitan, QC, QCPD Station 3, 3 sa Purok 1A, Brgy.Culiat, buy bust, Luzon ave, Police Major Don Don M. Llapitan, QC, QCPD Station 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.