86 na mga lungsod tumalima sa EO ni Pangulong Duterte para bumalangkas ng smoke-free ordinance
Mula nang ilabas ang Executive Order (EO) No. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte dalawang taon na ang nakalipas, 86 na mga lungsod na ang nagsabatas ng kani-kanilang mga smoke-free ordinance na nakasunod sa EO, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ipinahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya nakita nila ang aktibong pagtugon ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng paglikha ng mga polisiya para sa proteksyon ng publiko laban sa exposure sa usok ng sigarilyo, paglalagay ng Designated Smoking Areas (DSAs), at pagbuo ng Smoke-Free Task Force, bukod sa iba pa.”
Aniya, magkatuwang ang DILG at Health Justice na nagsagawa ng pagsusuri sa mga lokal na ordinansa ng mga lungsod sa buong bansa upang alamin kung naaayon ang mga ito sa itinatadhana ng EO 26.
Ipinakita ng nasabing pag-aaral na 86 lungsod ang nagpasa ng mga Smoke-Free Ordinance na nagtatakda ng 100% smoke free na mga lugar na naaayon sa EO 26 habang 48 lungsod naman ang naglagay ng mga DSA sa kanilang mga lokalidad.
Simula 2017, pinaigting ng Kagawaran ang mga polisiya at hakbang laban sa paninigarilyo at ang pagbili at pag-advertise ng mga produktong tabako. Naglagay at nagpaskil na ng mga signage na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga gusali ng pamahalaan, paaralan, simbahan, at iba pang pampublikong lugar.
Nagtatag na rin ang mga LGUs ng mga lokal na smoke-free task force.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.