NTC nagbabala sa publiko laban sa text at email scams
Nagbabala ang National telecommunications Commission o NTC sa publiko na mag ingat sa mga text scam at maging sa email scam.
Apela ni Engineer Marcelo Bunag Jr., OIC ng Enforcement and operation division ng NTC-NCR, kung wala namang sinalihan huwag ng pansinin ang mga text scam.
Inihalimbawa ni Engr. Bunag ang text scam na ginagamit ang programang wowowin na nanghihingi ng impormasyon sa mga potensyal na biktima.
Ayon kay Bunag, kapag binigay na ang mga impormasyon dito na magsisimula ang scam gaya ng pagbibigay ng account number na pwedeng makatangay ng pera mula sa biktima.
Sinabi naman ni Engr. Jose Bartolome ng Consumer Welfare and Protection Division ng NTC , umaabot sa 400 kada buwan ang natatanggap nilang reklamo na nabibiktima ng scam.
Aminado naman ang NTC na hanggang sa ngayon wala pa rin silang nasasampahang kaso dahil hirap silang ma-trace lalo na kung gamit ay prepaid sim.
Nakakaalarma na rin umano ang nasabing scam dahil sa dumaraming bilang ng mga nabibiktima, kaya umapela sila na mapabilis na ang pagsasabatas ng sim card registration bill, para mas madali nilang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga pangloloko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.