LGUs na dawit sa korapsyon sa PCSO sapol din sa imbestigasyon ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na masasapol ng imbestigasyon ng pamahalaan ang Local Government Officials na sangkot sa korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Chief presidential legal counsel Salvador Panelo, hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Local Government Units (LGUs) na nakapagbulsa sa pera ng bayan.

Ayon kay Panelo, bukod sa LGUs, sangkot din sa katiwalian sa PCSO ang ilang hukom.

Una nang sinabi ni Panelo na mayroong grand conspiracy sa korapsyon sa PCSO.

Read more...