Panukalang pagbuhay sa Mandatory ROTC inihain na sa Kamara
Inihain ni Deputy Speaker Raneo Abu ang panukalang ibalik ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa senior high school sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.
Aamyendahan ng House Bill 2087 ang Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act.
Binigyang diin sa panukala ang kahalagahan na maipamulat sa kabataan ang pagiging disiplinado at makabayan, at pagkakaroon ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang pamilya at ang bayan.
Nakasaad sa bill na sasailalim ang mga estudyante sa basic military training, civic training para maging aktibo sa mga gawaing may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran, disaster risk reduction and management at iba pa.
Ang Department of National Defense (DND), Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang bubuo ng ROTC program.
Magiging requirement sa graduation ang pagsailalim sa ROTC training.
Maaari namang ma-exempt sa ROTC ang mga estudyanteng hindi physically o psychologically fit; ang mga dumaan na o patuloy pang sumasalang sa kahalintulad na military training; at iyong mayroong iba pang valid reasons na aprubado ng DND.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.