Mga sumukong rebelde na sasailalim sa training sa TESDA papayagan ni Pangulong Duterte na makapagtrabaho sa abroad

Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na makapagtrabaho sa abroad ang mga nagsisukong rebelde na sumailalim na skills training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon sa pangulo, ito ay kung hindi makakahanap ng trabaho sa bansa ang mga dating rebelde.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya si TESDA director general Isidro Lapeña na palawakin pa ang pagbibigay ng training sa mga nagsisukong rebelde.

Bukod sa TESDA training, binigyan din ng pangulo ng pabahay ang mga nagsisukong rebelde.

Makailang beses nang umaapela si Pangulong Duterte sa mga rebelde na magbalik loob na lamang sa pamahalaan para makapamuhay ng normal at itigil na ang pakikibaka sa bundok.

Read more...