Western section ng Luzon apektado ng Habagat; LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2019 - 06:27 AM

Apektado pa rin ng hanging Habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa Habagat, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, at Bataan.

Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Isang Low Pressure Area naman ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ang trough na naturang LPA ay magpapaulan na sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon lamang ang iiral at magkakaroon lamang ng biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Nakataaas naman ang gale warning sa baybaying dagat ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Western Coast ng Ilocos Norte, Zambales at Bataan.

TAGS: habagat, LPA, Pagasa, southwest monsoon, weather, habagat, LPA, Pagasa, southwest monsoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.