Yellow warning nakataas sa Zambales at Bataan dahil sa patuloy na pag-ulan
Naghahatid pa rin ng patuloy na pag-ulan ang Habagat sa Zambales at Bataan.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules, July 31, nakataas ang yellow warning sa dalawang lalawigan.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at Rizal.
Habang ganitong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Batangas at Cavite sa susunod na mga oras.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha dulot ng malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.